^

Bansa

China humirit sa trilateral statement ng US, Japan, Australia sa agawan ng teritoryo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi ikinatuwa ng China ang naging pahayag ng United States, Japan at Australia tungkol sa pinag-aagawang South China Sea.

Sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na hindi pinalalala lamang ng tatlong bansa ang tensyon sa pagitan ng China at iba pang umaangkin ng mga teritoryo, kabilang ang Pilipinas.

"This trilateral statement is fanning the flames," pahayag ni Wang. "Now it is the time to test whether you are peacekeepers or troublemakers.”

Nanawagan ng tatlong bansa na itigil ng China ang aktibidad sa pinag-aagawang teritoryo, kabilang ng reclamation at pagpapatayo ng mga military outposts.

Lumalabas na pinapanigan ng US, Japan at Australia ang mga kumakalaban sa China na Pilipinas at Vietnam.

Pumanig ang international court sa Pilipinas na naghain arbitration case laban sa China, kung saan lumabas na ilegal ang sinasabing nine-dash line.

Sa kabila nito ay hindi kinikilala ng China ang hatol ng korte at patuloy pa rin ang kanilang aktibidad sa mga inaangking lupa rin ng Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with