^

Bansa

Paggamit ng military camp na rehab centers, OK - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinang-ayunan ng isang mambabatas sa Kamara de Representantes ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang mga kampo ng militar para gamiting rehabilitation centers para sa mga adik sa illegal drugs.

Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, praktikal na estratihiya ang naisip na paraan ng pangulo dahil malawak ang lupain ng mga kampo ng militar at “confine” pa na akma sa rehabilitasyon. Giit ni Atienza, nasa tamang direksyon ang administrasyon dahil ang kailangan talagang putulin ang demand sa droga para humina ang supply nito. Subalit kailangan umano talaga na may sentrong programa para sa rehabilitasyon ng mga sumusukong mga adik sa droga dahil kung hindi ay maaaring magdulot ang mga ito ng panganib sa lipunan.

Paliwanag  pa ni Atienza, ang biglaang withdrawal sa adiksyon ay mabigat ang epekto sa ugali ng mga drug users at nalalagay din sa panganib ang buhay ng kanilang pamilya at komunidad. Aniya  hindi lamang basta pasasayawin o mage-ehersiyo ang mga sumukong adik sa droga at pagkatapos ay kukunin ang mga pangalan at papauwiin na. Aniya, ang dapat ay magamot sila sa pamamagitan ng rehabilitasyon kaya kung bigo sila na maisailalim dito ay tiyak na babalik ulit sila sa paggamit ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with