Indirect contempt vs Claire dela Fuente, pinagtibay ng CA
MANILA, Philippines – Pinagtibay kahapon ng Court of Appeals (CA) ang August 22, 2014 ruling na nagpapataw sa singer at bus operator na si Claire dela Fuente na guilty sa kasong indirect contempt.
Pinagmumulta ngayon ang singer ng tig-P2,000 kada bilang ng indirect contempt na ipinataw ng CA laban dito dahil sa paglabag sa itinatadhana ng forum shopping.
Sa 3-pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Pedro Corales na dating pinuno ng Special 15th Division ng CA, ibinasura nito ang motion for reconsideration ni dela Fuente dahil na rin sa kawalan ng merito.
Nag-ugat ang kaso ni dela Fuente sa mga isinampa nitong apela sa Department of Justice (DoJ), Supreme Court (SC) at CA na may kaugnayan naman sa isinampang P417.8 million na tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kanya. Ang nasabing halaga ay para sa buwis nito sa taong 1997 hanggang 2004 na may kaugnayan sa mga kinita ng kanyang bus company na Philippine Corinthian Line Corporation (PCLC).
- Latest