^

Bansa

Olivarez bagong MMMSFI president

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahalal bilang pangulo ng Metro Manila Mayor’s Spouses Foundation, Inc. (MMMSFI) para sa taong 2016 hanggang 2019 ang negosyante at Paranaque First Lady Janet Olivarez sa idinaos na foundation’s election sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, Pasig City nitong weekend.

Ang MMMSFI ay isang non-profit, non-stock organization at asosasyon ng maybahay at asawa ng mga alkalde sa Metro Manila na may adbokasiyang protektahan at linangin ang buhay ng mga residente partikular ng kababaihan at kabataan.

Personal namang binati ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emer­son Carlos si Olivarez sa pagkakaluklok nito sa puwesto.

Kumpiyansa si Carlos sa liderato at kakayahan ni Olivarez sa larangan ng charity works na magbibigay ng mahalagang paggabay lalo na’t makakasagupa ang foundation ng matitinding hamon sa mga darating pang taon.

Si Olivarez na dating kalihim ng foundation at maybahay ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, ay tumutulong sa pamahalaang lokal bilang nutrition action officer sa barangay outreach programs at epektibong tumutugon sa suliranin sa nakalipas na apat na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with