^

Bansa

Income tax bill isasabatas bago mag-2017 – Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiwala si House Deputy Speaker Miro Quimbo na kaagad maisasabatas ang panukala para sa pagbabawas ng income tax bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ito ay matapos na bang­gitin ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang pagbabawas ng personal at corporate income tax.

Si Quimbo ay chairman ng House Ways and Means Committee noong 16th Congress at siyang may panukala para sa pagbaba ng income tax na kanyang muling ihahain ngayong 17th Congress.

Sinabi ng kongresista na aayusin nila ang bracket ng pagbubuwis para iakma ito sa inflation rate at upang iyong mga mala­laking kumita ang tamang magbayad ng mas malaki at maibaba naman ang buwis ng mga ordinaryong manggagawa.

Ang corporate income tax ay target na ibaba sa 25% mula sa kasalukuyang 32% upang mapalawak ang tax base sa hanay ng mga negosyante.

Inaasahan umano na P52 bilyon ang ipapasok nito na dagdag kita sa gobyerno dahil dadami ang foreign direct investment kung bababa ang corporate income tax.

Target din na magpataw ng fixed tax sa mga propesyunal tulad ng mga doktor, abogado at engineers na maaaring magpasok sa gobyerno ng P20 bilyon na dagdag kita.

Balak pa ng Kamara na bawasan ng tax incentives na ibinibigay ng gobyerno sa malalaking kumpanya o korporasyon. Ito ay dahil umano sa pag-aaral, inaabot sa P142 bilyon ang nawawalang buwis sa pamahalaan kada taon dahil sa ibinibigay na tax incentives sa malalaking negosyante. Ilan umano sa mga negosyanteng ito na nagtatamasa ng tax incentives ay nasa sektor ng pagmimina at pabahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with