^

Bansa

SC: ‘Itigil ang curfew!’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

TRO inilabas pabor sa mga kabataan 

MANILA, Philippines – Naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa implementasyon ng curfew o ordinansa ng ilang lungsod sa Metro Manila partikular sa Maynila, Navotas at Quezon City na nagbabawal sa mga menor-de-edad na magpagala-gala sa kalye sa dis-oras ng gabi.

Kasabay nito, ikinatuwa ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (Spark) ang inilabas na TRO sa pagsasabing pagmamalabis lamang umano ito sa kapangya­rihan ng mga local go­vernment.

Una nang naghain noong Biyernes ng petition for certiorari ang Spark para hilingin na ipatigil ang implementasyon ng curfew sa tatlong lungsod.

 Ayon kay Atty. Jesus Falcis III, labag sa Kons­titusyon ang naturang curfew dahil kontra ito sa isinasaad ng RA 9344 o Juvinile Justice and Welfare Act of 2006.

Pinagkakaitan din anila ng naturang ordinansa ang mga minors ng right to travel at kalayaang magbiyahe.

Hindi rin umano ma­ka­tarungan na ang magulang ng mga mahuhu­ling menor-de-edad ang pananagutin sa pagkakasala ng kanilang mga anak.

 Sa ilalim ng ordinansa ng Navotas at Maynila, magsisimula ang curfew dakong alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw habang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga naman sa Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with