Abueva suspendido sa paniniko kay Ellis
July 26, 2016 | 7:19pm
MANILA, Philippines – Suspendido at pinagbabayad si Alaska Aces forward Calvin Abueva kasunod ng paniniko niya kay Chris Ellis ng Ginebra sa paghaharap nila nitong kamakalawa.
Isang laro at P22,000 ang parusa kay Abueva na mawawala sa susunod na laban ng Aces sa Biyernes kontra Talk N Text sa Antipolo City.
Naparusahan si Abueva dahil sa paniniko sa mukha ni Ellis habang papatayo sa huling yugto ng kanilang laban.
Nanaig ang Alaska sa Ginebra sa overtime, 109-100.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended