^

Bansa

Pinal na: EDCA constitutional – SC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ngayong Martes ang una nilang desisyon na naaayon sa Saligang Batas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa botong 9-4 ay ibinasura ng mataas na hukuman ang motion for reconsideration na inihain ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan upang baligtarin ang naunang desisyon.

Nitong Enero 12 ay sinabi ng Korte Suprema na walang nilabag sa Saligang Batas ang EDCA.

Sa ilalim ng EDCA ay hinahayaan ng Pilipinas ang Amerika na palawakin pa ang presensya sa bansa upang tulungan ang militar.

Limang military facilities din ang itatayo upang paglagyan ng mga armas at iba pang kagamitan.

Nasa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga military facility kabilang ang Antonio Bautista air base sa western island of Palawan, Basa air base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia airport sa Cagayan de Oro at Mactan-Benito Ebuen air base sa Mactan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with