^

Bansa

Pagbaba ng income tax rates, aprub sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinatuwa kahapon ng ilang senador ang naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nationl Address (SONA) na ibaba ang income tax.

Ayon kay Senator Sonny Angara, dapat pang itulak ang nasabing panukala upang magkaroon ng reporma sa tax system ng bansa.

  “I am happy with President Duterte’s statements and we should give momentum to the push to reform our tax system,” ani Angara.

 Sinabi pa ni Angara na kung mapupunta sa kanya ang Senate Committee on Ways and Means, ipa-prayoridad niya ang panukala para matulungan ang House of Representatives na maipasa ang mga tax measures na dapat ay magmumula sa Mababang Kapulungan.

 If I am given the leadership of the ways and means committee, we will prioritize these measures but we will need the help of the Lower House since all tax measures must originate from them under our Constitution,” ani Angara.

 Samantala, maging si Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon ay nagpahayag din ng pagsuporta sa pagbaba ng income tax na pinakamataas umano sa Asia na umaabot sa 32%.

 “Ako sinusuportahan ko yan kasi sabi ko nga tayo ang pinakamataas…32 percent,” ani Drilon.

 Pero napansin din ni Drilon na walang pumalakpak ng banggitin ng Pangulo ang pag-luwag sa Bank Secrecy Law na posibleng maging daan upang masilip na ang mga nakatagong yaman ng mga nasa gobyerno.

“Ang napansin ko walang pumalakpak doon. Napansin ko,” ani Drilon.

Maging si Senator Grace Poe ay natuwa sa anunsiyo ng Pangulo na ibaba ang personal at corporate income tax.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with