^

Bansa

Hindi lang pulis, sundalo: Sahod ng manggagawa taasan din - Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag lamang mga pulis at sundalo ang taasan ng sahod kundi lahat ng mga manggagawa sa bansa.

Ayon kay Bishop Ongtioco, nararapat na bigyan din ng umento ang mga ordinaryong manggagawa na halos nabibigatan sa taas na ipinatong na buwis sa kanilang buwanang sahod na kakarampot na lamang ang kanilang naiuuwi sa kanilang pamilya.

Aniya, ang bawat mang­gagawa ay may kontribus­yon sa  bayan  kaya dapat lamang nilang  matamasa.

“Hindi lang sa akin sa pulis ang sinasabi kong itaas ang suweldo, lahat ng manggagawa kung maaari bigyan ng umento,”  ani  Ongtioco.

Naniniwala rin ang obispo na kung magiging sapat lamang ang sweldo ng bawat manggagawa ay hindi na magigipit ang bawat pamilya sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangaila­ngan.

Sinabi ni Ongtioco,  mas makapagtatrabaho nang maayos  ang isäng manggagawa kung maayos ang  kanyang  sinusuweldo.

Nakapagtala naman ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP ngayong 2016 na mahigit 67.1 milyon na ang bilang ng mga manggagawang Pilipino sa buong bansa na umaasa sa pagpapababa ng buwis at pagtataas ng kanilang buwang sahod.

Nauna na ring binanggit ng kanyang Kabanalan Francisco sa United Nations na mahalagang kilalanin ng estado ang pangangailangan ng mga manggagawa na siyang katuwang nito tungo sa kaunlaran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with