^

Bansa

Sentimiyento idinaan sa Facebook, Cayetano ‘no show’ sa botohan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang nakitang Senator Alan Peter Cayetano sa unang araw ng sesyon sa Senado kung saan nagbotohan ng bagong Senate president at idinaan pa niya sa Facebook ang isyu sa diumano’y dalawang grupo na nag-alok sa kanya upang gawin siyang pangulo ng Senado.

Habang abala ang mga kasamahang senador sa paghahalal kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III,  nag post si Cayetano sa kanyang Facebook page, eksaktong 10:21 ng umaga kung saan isiniwalat niya na kung tinanggap niya ang isa sa mga alok sa kanya, siya sana ang magiging lider ng Senado.

 “Two groups offered me a deal. Taking just one of the two offers would have made me Senate President,” ani Cayetano sa post niyang may titulong “Losing What Was Never Mine, Keeping  What’s Important to Me”.

Pero hindi umano natukso si Cayetano na tanggapin ang alok sa kanya dahil noong Mayo 7, 2016 nagbigay siya ng commitment na tulungan at protektahan ang Presidente.

Masusing pinag-isipan rin umano ni Cayetano ang nasabing deal na gawin siyang Senate President pero maglalagay naman sa mga agenda ni Presidente Rodrigo Duterte sa alanganin.

Matatandaan na ilang linggo bago pa magsimula ang kasalukuyang 17th Congress, nagkasundo na ang mayorya ng mga senador na suportahan si Pimentel sa halip na si Cayetano dahil ito ang nag-iisang ka-partido ni Pangulong Duterte sa Senado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with