‘Clean government’ tiniyak sa Duterte admin
MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na 101 percent na isang clean government ang kanyang gobyerno.
Ang paniniyak ni Pangulong Duterte na magiging malinis ang kanyang administrasyon ay ginawa sa harap ng mga mambabatas at daang mga bisita sa SONA kasunod ng panawagan nito na ibigay sa kanya ang “emergency power” upang mabilis na malutas ang problema ng trapiko sa Metro Manila. Tiniyak nito na hindi niya aabusuhin ang naturang kapangyarihan sa paglutas sa trapiko.
“The worsening traffic situation will be logically addressed if Congress will accord emergency powers. Nasa inyo yan kung ayaw niyo fine, we’ll go the longest route, tanggapin ko ang mura niyo; I assure you 101% that my government is a clean government,” giit pa ni Duterte.
Sinabi pa ni Duterte sa lider ng Simbahan, hindi daw dapat magkaroon ng separation of God and State.
Aniya, nirerespeto niya ang separation ng Church at State lalo sa concern ng Simbahang Katoliko sa bloody anti-crime ware at pag-eendorso niya ng 3-child policy.
- Latest