^

Bansa

Hukom inireklamo sa SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang hukom ang inireklamo sa Korte Suprema ng isang mataas na opisyal ng steel company dahil sa umano’y pangongotong ng P7-milyon para sa pagpabor sa kasong may kaugnayan sa ilang insurance company na nabigong magbayad ng insurance claims sa Makati City.

Sa 9-pahinang reklamo sa SC-Office of the Court Administrator noong  Hulyo 20, 2016  ni Abeto Uy, chairman at CEO ng Steel Corporation of the Philippines (SCP), hindi umano dapat nagbitiw sa paghawak ng kaso si Makati City RTC, Branch 138 Presiding Judge Josefino Subia dahil may naging kasunduan na papaboran sila na makakuha ng claims sa limang insurance company na ayaw magbayad ng kaukulang danyos kaugnay sa pagkasunog ng Cold Rolling Mill at iba’t-ibang equipments ng SCP.

Kabilang sa inirereklamong insurance firm ay ang Phil. Charter Insurance Corp., Asia Insurance Phil Corp., Mala­yan Insurance Co. at New India Assurance Company Ltd., at MAPFRE Insular Insurance Corp. na dapat ay makuha ang claims na umaabot umano sa material damage loss na US$33,882,393 at business interruption losses na US$8,000,000. Noong Marso  30, 2015 ay isinampa ang kaso at napunta sa sala ni Judge Subia at Abril 2015 ay naghain umano ng motion to dismiss ang kampo ng mga insurance company sa halip na sagutin ang akusasyon. Habang nakabinbin ang kaso, isang Rolando Palad, ng Philsteel Group of Companies na nakatalaga sa Group Risk Ma­nagement and Insurance Consultant, kung saan miyembro ang SCP, ang lumapit kay Uy at sinabihan na kaanak ng kanyang maybahay si Judge Subia at nag-alok umano ito na idi-deny ang motion to dismiss ng mga insu­rance company kung magbibigay siya ng P15-M. Sa takot umano ni Uy na mabasura ang kaso, nakipagkasundo kay Palad subalit nagbigay ng downpayment na P7-M na umano’y ipinadala nito para kay Subia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with