^

Bansa

23 ‘drug mayor’ pangalanan na - Teodoro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maging si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ay nakiisa sa mga nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan na ang 23 alkalde na sangkot at protektor ng illegal drug trade sa bansa.

Si Teodoro na dating congressman at ngayo’y first term na alkalde sa Marikina ay nagsabing, suspek lahat ng mayor sa bansa hangga’t hindi ibinubunyag ng Pangulo ang pangalan ng 23 local chief executives na sangkot sa bawal na aktibidad.

“Pangalanan na, suspek ang lahat eh,” sabi ni Teodoro sa mga mamamahayag.

Umaasa si Teodoro na tutukuyin na ng Pangulong Duterte sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw ang 23 alkalde na sinasabing sangkot sa droga.

Bilang ama ng Marikina, pangungunahan ni Teodoro ang pagpapa-drug test sa lahat ng empleyado ng kanilang lokal na pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with