^

Bansa

Sa kampanya vs illegal drugs, Duterte suportado ng transport group

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang- handa na ang transport sector para pa­kinggan ang unang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte bukas.

Ayon kay Vigor Mendoza, chairman ng Kilusan sa Pagbabago Ng Industirya ng Transportasyon (KAPIT) suportado nila ang kampanya ng Duterte administration laban sa droga lalo na nga’t may mga report silang patuloy na nakukuha na maraming mga driver ng Public Utility Vehicles ( jeepneys, bus, taxi, vans, uv express, at trucks) ang sangkot sa paggamit ng ilegal na gamot.
Ayon kay Mendoza seryosong pakikinggan ng grupo nila ang mga sasabihin ni President Duterte at handang  suportahan ang mga  ipinangako ng Pangulo. 

Naniniwala rin ang (KAPIT) sa political will ni President Duterte sa ilalim ng leadership ni Department of Transportation (DoT) Secretary Arthur Tugade na matatapos nito ang problema sa traffic at iba pang problema at pagpapairal ng modernisasyon para na rin sa kapakinabangan ng publiko laluna ng  mga driver.

Sa hiwalay na interview sinang-ayunan ni Rene Peña, president ng Metro Manila Taxi Operators and Drivers (MMTOD) ang pahayag ni Mendoza bilang suporta sa layunin ng Duterte administration na tulungan ang industriya ng Transportasyon.

Gayun din si Fermin Octobre ng (DUMPER) ay nagsabi sa isa pang interview na panahon na para wakasan ang problema sa droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with