^

Bansa

4 pang bagong rehab centers, itatayo sa bansa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na bagong rehabilitation centers ang itatayo sa Luzon, Vizayas at Mindanao para ma-accommodate ang libu-libong sumukong mga drug dependents sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial na nagkumpirma ang dalawa sa apat na malalaking rehabilitation centers ay sa Luzon itatayo, habang tig-isa ang Min­danao at Visayas.

Ito’y bilang karagdagan lamang sa 20 existing drug rehabilitation centers sa bansa ngayon .

Mas malalaki umano ang mga bagong itatayong rehab centers na kayang doblehin ang kapasidad ng mga dati nang naipatayo ng pamahalaan.

Bukod aniya sa natu­rang apat na bagong rehab facilities ay mayroon na ring mga local government units (LGUs) na plano na ring magtayo ng mga rehabilitation centers sa loob ng kanilang komunidad, na ka­yang mag-accommodate ng panibagong 5,000 pasyente.

Nabatid na ang kons­truksyon ng dagdag na re­habilitation centers ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ma-accommodate ang tinata­yang may 60,000 drug users at pushers na sumuko sa bansa.

“Hindi po sila (drug users) ang enemy. Victims sila ng isang mapanlilang na kalakalan kaya dapat po natin silang tulungan. Nabiktima sila ng isang sindikato o ng mga pusher na gustong malulon sila sa droga para meron silang pagkakakitaan,” ayon kay Ubial.

Sa data ng Dangerous Drugs Board (DDB), tinatayang mayroong 1.8 milyon na ang  drug users sa bansa, na kinabibilangan ng mga drug dependents o lulong na sa illegal na droga, maging ang mga tinatawag na “experimental,” “occasional,” at “regular” users.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with