^

Bansa

Kaya ayaw sa Paris agreement, Digong magtatayo ng industrial zones sa iba’t-ibang panig ng bansa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ng maraming industrial zones sa iba’t-ibang panig ng bansa kaya hindi ito pabor sa paglagda ng Pilipinas sa Paris agreement na naglalayong so­­lusyunan ang climate change.

Sa talumpati ni Du­terte ng inspeksiyunin nito ang Buluan 6 Megawatts Power Plant sa Buluan, Maguin­danao noong Biyernes, sinabi nito na hindi naman ang Pilipinas ang dahilan ng climate change kung hindi ang mga malalaking bansa katulad ng China, Amerika, at mga bansa sa Europa na buga ng buga ng maruming usok.

“Ang hindi nila ako nakuha, itong treaty sa Paris, there is no treaty to honor. We have not signed the treaty. We just committed to draft a treaty… You know, itong imbento na ito na climate change, there is really change. But who caused it? Eh hindi tayo. Eh ngayon lang ito nagawa itong factory dito sa Buluan,” sabi ni Duterte.

Ipinagmalaki rin ito na aprubado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabing planta na itinayo sa Buluan.

“All the years, yung industrialization from the 60’s, 70’s, it was China, Amerika, Europe, yung sige na buga-buga sila nang maitim na ano...Now they have reached dito sa pinnacle of economic power, eh gusto nila tayo rin sumunod,” ani Duterte.

Nais ni Duterte na ma­bigyan siya ng linaw kung ano ang mangyayari sa kasunduan dahil plano niyang maglagay ng mga industrial zones sa iba’t ibang panig ng bansa na inasahang magbibigay ng trabaho at kabuhayan sa maraming mga Filipino.

Sa nasabing pagtitipon, sinabi rin ni Duterte na malaki ang pag-asa ng Mindanao sa larangan ng manufacturing at pagsu-suplay ng mga agricultural products dahil sa lokasyon nito na hindi dinadaanan ng mga bagyo.

“I think one of the greatest promise rin here in Mindanao is manufacturing sa agricultural products, ang Minda­nao. Mauuna lang iyan, mauuna ang Mindanao sa lahat. Walang bagyo, walang...Sila magtanim doon, maya-maya, suddenly there is a brewing cyclone or they call it na cyclone na...Dito steady lang. Wala masyadong hangin. Nandoon sa mga ulo ng mga mayayabang. Sa Maynila lang iyon, wala dito,” ani Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with