Libreng pagkain mula kindergarten hanggang senior high school, isinulong
MANILA, Philippines – Libreng pagkain na lang mula sa kindergarten hanggang senior high school at hindi nutriban at sabaw.
Ito ang nilalaman sa panukalang batas na inihain ni Senator Juan Miguel Zubiri na naglalayon umanong solusyunan ang gutom ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan kung saan bibigyan sila ng libreng tanghalian para sa mga pumapasok sa day shift at hapunan naman para sa mga nasa afternoon at evening shift.
Nais ni Zubiri na magkaroon ang gobyerno ng isang feeding program na lalaanan ng P10 bilyon para masolusyunan ang malnutrisyon at gutom ng karamihan sa nag-aaral sa mga pampublikong eskuwelahan lalo na yong mga nasa malalayong lugar.
“They walk kilometers of rough road to school, cross rivers, hang on to decrepit hanging bridges. They hold classes under the tree. They don’t have enough notebooks, pens and paper. And, survive the day hungry. Kung kumakalam ang sikmura ng bata, mahirap mag-concentrate sa leksyon. A hungry child’s classroom experience is not good at all,” ani Zubiri.
Ang “full meals” na ibibigay umano sa mga mag-aaral ay mas makatutulong kaysa sa kilalang nutriban at libreng sabaw.
Kung ganap na magiging batas, ang panukala ay ipatutupad ng isang komisyon na kinabibilangan ng Department of Education, Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Department of Health, National Nutrition Council at Food and Nutrition Research Institute.
Ang pondo naman ay kukunin sa Philippine Charity Sweepstakes Office President’s Social Fund.
- Latest