^

Bansa

Graft vs Leyte officials aprub sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng tanggapan ng Ombudsman na sampahan na ng kaso ang mga opisyal ng lalawigan ng Leyte kaugnay ng pagbili ng dump truck noong 2008.

Kasong graft ang ipinasasampa kina dating Mayor Federico Carolino Sr. ng Capoocan, Leyte  kasama ang mga miyembro ng Bids and Award Committee (BAC) na sina Pio Antonio Borrel, Macario Noel Gullemas, Letecia Merelos, Frumencio Juntilla at Jesalie Loteyro.

Kapwa akusado ang mga repsesentatives ng Compressed Air Machineries & Equipment Corporation (Camec) na sina Manuel Poblico at Jovelito Monesit.

Sinasabing naibigay ng naturang mga opisyal sa Camec ang pagbili sa dala­wang Mitsubishi dump trucks

Sa rekord noong Disyembre 2008, dalawang dump truck ang nai-deliver ng Camec sa bayan ng Capoocan matapos sabihing ito ang nanalong bidder kahit na may mga ebidensiya na nagkaroon ng anomalya sa proseso ng bidding. Sinasabing itinuloy pa rin nina Carolino ang kontrata sa Camec kahit may problema ang business name nito at iba pang iregularidad tulad ng hindi pag-comply sa technical specifications at bigong mai­deklara ang naaprubahang budget para sa kontrata.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with