‘One stop shop’ sa OFWs itatayo ng DOLE
MANILA, Philippines – Maglalagay ng one-stop shop ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa hangad na mapabilis ang pagproseso ng kanilang mga requirements para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, maaaring iproseso sa one-stop shop ang mga dokumento na kailangang asikasuhin ng OFW mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Dahil dito, may puwesto umanong ilalaan sa one stop shop para sa mga kinatawan ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA, Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, Dept of Foreign Affairs at National Bureau of Investigation.
Kapag naisakatuparan na, sinabi ni Bello na bukod sa mapapaikli ang panahon ng pagpoproseso sa mga dokumento, makakatipid din sa gastos ang mga OFWs dahil hindi na nila kailangang gumastos nang malaki sa pamasahe.
- Latest