^

Bansa

Sahod ng doktor, itaas sa P56K - Kiko

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na itaas sa P56,610 ang minimum wage o pinakamababang sahod ng mga doktor ng gobyerno na sa ngayon ay nasa Salary Grade 16 na P28,417.

Sa panukala ni Pangilinan na tatawaging Government Doctors’ Salary Upgrading Act, sinabi nito na masyadong mababa ang kasalukuyang minimum wage ng mga doktor kung ikukumpara sa maaari nilang ma­ging sahod kapag sila ay nangibang- bansa.

 “Naiintindihan natin ang pangangailangan ng ating mga doktor para sa mas mataas na sahod. Nakakalungkot isipin na karamihan sa kanila ay nagpasyang mangibang-bayan na lamang sa halip na ipagpatuloy ang kanilang propesyon dito sa ating bansa kung saan sila mas kailangan,” ani Pangilinan.

Umaasa si Pangilinan na kung magiging ganap na batas ang kanyang panukala na maitaas ang salary grade ng mga government doctors, mas marami pa ang mahihikayat na magtrabaho sa mga pampublikong ospital at hindi nila kailangang umalis ng Pilipinas.

 Ayon sa pagtaya ng World Health Organization (WHO) noong 2013, nasa 22,000 health professionals sa Pilipinas ang umaalis para magtrabaho sa ibang bansa.

Sinabi pa ni Pangilinan na sa 70 porsiyento ng mga Filipino na nakatira sa mga rural areas, nasa 10 porsiyento lamang ang nagkakaroon ng benepisyo mula sa serbisyo ng mga medical professionals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with