Isyu sa WPS dadalhin sa Laos meeting
MANILA, Philippines – Dadalhin ng Pilipinas ang mainit na territorial issue sa West Philippine Sea o South China Sea sa pagdaraos ng ika-49 Asean Foreign Ministers’ Meeting (AMM) sa Vientiane, Laos na nakatakda ngayong araw hanggang Hulyo 26, 2016.
Inaasahang ilalatag at ibabahagi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. na siyang kinatawan ng Pilipinas para sa nasabing ministerial meeting sa mga kapwa foreign ministers ang ‘iringan’ sa WPS matapos ang pagpapalabas ng ruling ng Permanent Court of Arbitration sa maritime case ng Pilipinas laban sa China na pumapabor sa bansa; ang regional concern kabilang ang bayolenteng extremism, trafficking in persons, illegal drugs at climate change.
Magkakaroon din ng bilateral meetings si Yasay sa iba’t ibang counterparts nito para magpalitan ng pananaw sa bilateral relations at sa pagmamalasakit ng kani-kanilang bansa pagdating sa global at international issues.
Bukod dito, dadalo si Yasay sa Ministerial Meetings ng Asean Plus Three, Asean Regional Forum, at East Asia Summit (EAS) kabilang pa ang Asean Post-Ministerial Conference kasama ang China, India, Canada, Australia at United States bilang dialogue partners.
- Latest