^

Bansa

Pacquiao kumalas kay Binay, balik PDP-Laban

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumalas na sa partidong United Nationalist Al­liance (UNA) ni dating Vice President Jejomar Binay si Senator Manny Pacquiao at bumalik sa dating political party na  Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Kahapon ay pormal na nanumpa si Pacquiao  sa harap ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, presidente ng PDP-Laban.

Kasama si Pacquiao sa mga dumalo sa pagtitipon ng PDP-Laban sa Makati kung saan kinumpirma  ni Pimentel na 19 senador na ang sumusuporta sa kanya bilang susunod na presidente ng Senado sa pagbubukas ng 17th Congress sa Lunes.

Paglilinaw ni Pacquiao, dati naman talaga siyang PDP-Laban bagaman at kumandidato siya sa ilalim ng UNA noong nakaraang halalan.

Dahil sa pagbabalik ni Pacquiao sa PDP-Laban, dalawa na sila ni Pimentel na kasapi ng nasabing partido sa Senado.

Samantala, kabilang rin sa lumagda na sa re­solusyon na magluluklok kay Pimentel bilang Senate President sa Lunes si Senators JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri.

Inihayag rin ni Pimentel na nagparaya na sa kanya si Senator Alan Peter Cayetano na nauna nang nagbalak na pumalit sa puwesto ni outgoing Senate President Franklin Drilon.

 Ang mga hindi na lamang pumipirma sa resolusyon ay sina Cayetano, Senators Antonio Trillanes IV, Ralph Recto, Cynthia Villar, at Francis “Chiz” Escudero.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with