^

Bansa

Murang crematorium sa kada distrito isinusulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang kongresista ang pagkakaroon ng murang crematorium sa bawat distrito sa bansa para sa mahihirap na Filipino na walang kakayahang magpalibing.

Sa House Bill 135 na inihain ni AKo Bicol partylist Reps. Rodel Batocabe, sinabi nito na sa mga nagdaang panahon ay mas pinipili na ng mga Pinoy ang cremation para sa kanilang mga mahal sa buhay na namatay sa halip na iburol dahil na rin sa pinansyal at praktikal  na dahilan.

Base umano sa 2015 na datos umaabot halos sa P70,000 ang gastos para sa pagbuburol, kabaong, nitso  at mga paglilibing dahil sa dami ng permit na hinihingi sa sementeryo habang ang proseso sa cremation ay umaabot lamang sa P25,000 depende pa sa niche na nagkakahalaga ng P35,000-P50,000 depende rin sa designed na paglalagyan ng abo.

Layon din ng panukala na magkaroon ng pare-parehong distribution ng crematories sa buong bansa upang maging accessible ang serbisyo nito kahit sa mga naninirahan sa mga liblib na lugar  at matulungan ang mga mahihirap na pamilya para sa libreng cremation services .

Paliwanag pa ni Batocabe, mababawasan din ang pagsisikip ng mga lansangan sa tuwing ginugunita ang All Saints Day at All Souls Day sa buwan ng Nobyembre . Dahil na rin sa marami rin ang namamatay ang pagsisikip ng mga libingan ay asahan din ang matinding pagsisikip dito na halos hindi na umano conducive para sa patay gayundin sa mga nakatirang buhay sa mga sementeryo lalo na at seryoso si Pangulong Duterte sa kampanya nito laban sa droga kung saan halos araw-araw ay may napapatay na may kinalaman dito.

Kung mayroon naman umanong crematorium ay magagamit na ang mga lupa para maging agricultural, residential at industrial purposes.

Maliban pa rito, ang crematorium umano ay mas environment friendly kumpara sa traditional burial na maaa­ring pagmulan ng mga contaminants mula sa kabaong at katawan ng namatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with