^

Bansa

200 local execs sa droga, ibubunyag ni Digong!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na ibulgar ang limang heneral ng Philippine National Police (PNP) na umano’y sangkot sa illegal drugs, nakatakda na ring ibu­king ni Pangulong Rodrigo “Digong “ Duterte ang mga pangalan ng mga lokal na opisyal sa pamahalaan  na nagsisilbi ring  protektor ng illegal na droga sa bansa.

Ayon kay PNP chief Director General Ro­nald “Bato “ dela Rosa, aabot sa 200 mga lokal na opisyal ng gobyerno na kinabibilangan ng mayor, gobernador, kongresista, mga bokal at iba pa ang nasa mahabang listahan na hawak ni Duterte na mga drug protectors.

“The President (Duterte) has the list. In due time, not only politicians but also drug lords themselves will be named. He will announce that anytime,” pahayag ni dela Rosa.

Sinabi ni dela Rosa na sa PNP pa lamang, nasa drug list ng Pangulo ang mula sa heneral hanggang sa pinakamababang ranggo na Police Officer 1.

Una nang ibinulgar ni Duterte sina dating NCRPO chief Director Joel Pagdilao, Chief Supt. Bernardo Diaz, dating hepe ng Western Visayas Police Office;  Chief Supt. Edgardo Tinio,  dating director ng Quezon City Police District; mga retirado na sina  Deputy Dir. Gen. Marcelo Garbo Jr.,  naging contender pa sa pagka-PNP chief at Chief Supt. Vicente Loot, ngayo’y alkalde na ng Daan Bantayan, Cebu na umano’y mga sangkot sa illegal drugs.

Mariing itinanggi ng mga heneral ang akusasyon at kasalukuyan silang humaharap sa imbestigasyon upang linisin ang kanilang pangalan.

Ang akusasyon sa mga heneral ay base umano sa nakuhang impormasyon ni Duterte sa US Drug Enforcement Agency na sila ay sangkot sa droga.

Sinabi ni dela Rosa na bilang commander-in-chief  (Duterte), may karapatan ang Pangulo na tumanggap ng intelligence report sa droga at iba pa, maging galing man ito sa lokal na security forces o sa iba pang mga bansa na kaalyado ng Pilipinas.

Samantala, ayon naman kay Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno, hahawakan ng kanyang tanggapan ang imbestigasyon sa kasong administratibo laban kay Loot dahil isa na itong opisyal ng gobyerno. Sa kaso naman laban kay Garbo, sa korte na lilitisin ang posibleng kasong criminal na kakaharapin dahil isa na siyang sibilyan matapos magretiro sa serbisyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with