Duterte, Robredo nagkasama sa unang pagkakataon
MANILA, Philippines – Matapos manumpa bilang presidente at bise presidente kahapon, nagkasama na ngayong Biyernes sa unang pagkakataon bilang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa sina Rodrigo Duterte at Leni Robredo.
Kapwa dumalo sa turnover ceremony ng Armed Forces of the Philippines sina Duterte at Robredo kung saan umupo bilang hepe si Lt. Gen. Ricardo Visaya.
Sa talumpati ni Duterte ay binati niya ang kaniyang bise presidente.
"Vice President Leni Robredo, this is my first time to meet you personally. I would have preferred to be seated beside you but nandyan si (Defense Secretary Delfin Lorenzana)," wika ni Duterte.
Magkahiwalay na nanumpa sina Duterte at Robredo na ginawa sa Malcanang at sa Quezon City Reception House, ayon sa pagkakasunod.
Matapos maiproklama sa Kongreso nitong Hunyo ay magkikita sana sa lungsod ng Davao sina Duterte at Robredo ngunit dahil sa magkasalungat na schedule ay hindi ito natuloy.
- Latest