Tax evasion vs ex-LTO chief Suansing
MANILA, Philippines – Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si dating Land Transportation Office (LTO) chief Alberto H. Suansing na ngayoy pangulo ng North Star Port Development Corporation (North Star).
Kinasuhan din ng BIR sa Department of Justice sina North Star Treasurer Rosauro Aguinaldo. Ang North Star ay isang arrastre, stevedoring at may cargo handling services.
Nahaharap sina Suansing sa kasong paglabag sa Section 255 na may kinalaman sa Sections 253 at 256 ng National Internal Revenue Code (NIRC) dahil sa pagkabigo na magbayad ng buwis sa pamahalaan na umaabot sa P29.83 milyon kasama na dito ang surcharges at interests para sa taxable year 2008.
Sinasabi ng BIR na nakapagpadala na sila ng Letter of Authority (LOA), Preliminary Assessment Notice (PAN), Final Assessment Notice (FAN), at demand letter sa nasabing kumpanya para bayaran ang utang sa buwis pero patuloy itong bigo na tugunan ito.
- Latest