^

Bansa

Alibi ng PPCRV binatikos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Bulok na alibi!”

Ito ang tugon ng partylist group na  Confederation  of Non-Stock  Savings and Loans Associations Inc. (CONSLA)  sa katuwiran ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting  (PPCRV) na ang hindi pagkakatugma ng ipinalabas nitong boto ng una ay dahil sa problema sa “connectivity” sa internet.

Ayon kay Atty. Jose Emmanuel G. Hernandez,  dapat na magkaroon ng masusing imbestigasyon ang Commission on Election  hinggil sa nasabing isyu lalo’t umamin ang PPCRV na nagkaroon ng  problema sa koneksiyon sa internet sa kasagsagan ng bilangan ng boto ng mga partylist group.

Unang inamin nina  PPCRV Communications and Media Director Ana de Villa Singson at Chairman, Amb. Henrietta de Villa ang umanoy “connectivity issue”  kaya nagkaroon ng pagkakaiba ang kanilang ipinalabas na resulta ng boto mula sa datus ng Comelec.

Nakakapagtaka rin aniya dahil ito ang unang pagkakataon na inamin  ng PPCRV na nagkaproblema sila sa koneksyon ng computer sa pagbibilang ng boto subalit wala naman itong ipinalabas na abiso sa mga apektadong partylist groups.

 Sa isinumiteng reklamo ng CONSLA, sinabi nito na imposibleng matalo ito sa nagdaang eleksiyon dahil sa quick count ng PPCRV may nakuha na itong boto na  342,513 noong Mayo 9 at kinabukasan ganap na alas-11 ng umaga ay umangat pa ito ng 523,753 boto  at dakong alas-12 ng hapon ay umabot pa ng 555,896 ang boto nito kaya nakaakyat ng rank 14.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with