^

Bansa

Leni manunumpa ngayon sa Kyusi

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong umaga na itinakda ang pormal na panunumpa ni outgoing Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang halal na bagong bise presidente ng Pilipinas sa Quezon City.

Hindi tulad ng mga nagdaang panunumpa ng mga bise presidente, mga ordinary o nasa marginalized sector ang sasaksi sa oath-taking ni Robredo na gaganapin ng alas-9 ng umaga sa QC Reception House na kilala sa tawag na Boracay Mansion.

Nabatid na dadaluhan ng mga opisyal ng QC, ilang kilalang personalidad pero mas marami ay mula sa naturang sektor. 

Manunumpa si Robredo kina barangay captain Rolando Coner ng Barangay Punta Tara­wal, ang pinakamaliit, pinaka-malayo at pinaka-mahirap na bayan ng  Camarines Sur’s third district at kay  Capt. Regina Celeste San Miguel ng  Barangay Mariana, QC.

Dahil sa limitadong espasyo ng Executive house, 300 lamang ang bisita ni Robredo sa kanyang inagurasyon, ilang miembro ng pamilya, ilang kaibigan tulad ni QC Vice Mayor Joy Belmonte.

Sa okasyon, dadalo ang aktres na si Kris Aquino, isa sa mga financier ni Robredo ng nagdaang may 9 elections bilang kinatawan ni outgoing President Benigno Aquino III at mga kapatid nito. 

Ang inagurasyon ay magiging simple at maikli lamang at matipid sa gastos dahil tatagal lamang ito ng isang oras o hanggang alas-10 ng umaga ngayong araw.

Inimbitahan din ng kampo ni Robredo ang running-mate na si da­ting Interior Secretary Mar Roxas pero wala pang kumpirmasyon. 

Ang inagurasyon ay sisimulan  ng flag raising ceremony na aawitin ng Payatas Childrens Choir.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with