^

Bansa

Abu Sayyaf pupulbusin! 24/7 operations ilulunsad ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang papasok na Duterte administration na maglunsad ng 24/7 operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) upang tuldukan na ang pangingidnap at paghahasik ng karahasan ng mga bandido sa Mindanao.

 Ayon kay incoming AFP chief Lt. Gen. Ricardo Visaya, plano na nilang magsagawa ng walang pahinga na military operations upang “pulbusin” na ang ASG.

 “We are planning for that, to fight Abu Sayyaf 24-7. We would like to defeat them the fastest way, that can be the best option, fight them,” pahayag ni Visaya matapos ang testimonial parade and review na iginawad ng AFP kay Defense Secretary Voltaire Gazmin  na nagpaalam na rin sa hukbo ng militar.

Gayunman, inamin ni Visaya na prerogatibo na ni incoming President Rodrigo Duterte kung makikipagnegosasyon sa Abu Sayyaf upang mapalaya ang mga nalalabi pang hostages.

Sinabi ni Visaya na hihintayin niya muna ang instruksyon o policy guidelines ni Duterte para tuldukan ang problema ng gobyerno laban sa mga bandido.

 “That is the prerogative of the President…we’ll know on July 1st what will be his instruction…insofar as I am concerned, I plan to fight them 24/7,” ani Visaya. .

Si Visaya ay nakatakda nang maupo sa puwesto sa darating na Hulyo 1 kung saan sinabi nito na agad siyang tutungo sa Jolo, Sulu upang kausapin ang mga commanders ng militar sa mga bagong istratehiyang ipatutupad ng AFP.

Nanatili pa ring bihag ng ASG ang mahigit isang dosenang hostages kabilang ang pitong Indonesian na dinukot noong nakalipas na linggo sa hangganan ng karagatan ng Tawi-Tawi at dinala sa Sulu.

Kabilang pa sa mga bihag ay ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad na isa sa apat na hinostage sa Oceanview Resort sa Samal Island noong Set­yembre 2015. Dalawa dito na sina Robert Hall at John Ridsdel, pawang Canadian ang pinugutan ng ulo habang pinalaya ang kasamahang Pinay na si Marites Flor noong Hunyo 24.

May 11 batalyong sundalo ang nakadeploy na sa Sulu upang lipulin ang mga bandido.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with