^

Bansa

Bagyong Ambo humina - PagAsa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humina na ang bagyong si Ambo  at ito ay isa na lamang low pressure area (LPA) ngayon makaraang mag-landfall kahapon ng umaga sa  Dinalungan, Aurora.

 Ayon sa Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PagAsa), kahit na humina na si Ambo at isa na lamang itong LPA ay patuloy naman itong magdadala ng katamtamang mga pag uulan hanggang sa malakas na pag-ulan sa  Northern at Central Luzon  gayundin sa mga lalawigan ng  Rizal at Quezon.

Mahina namang pag-uulan ang inaasahan sa lalawigan ng Cavite, Laguna at Batangas kasama na ang Metro Manila. Ang LPA ay huling namataan sa layong  66 kilometro ng kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Maulap naman hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa buong Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at Zamboanga Peninsula regions kasama na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao gayundin sa  Palawan, Sultan Kudarat, South Cotabato at Saranggani. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay katamtaman naman ang mararanasang panahon na may manaka- nakang pag-ulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with