^

Bansa

Epekto ng K-12, mga propesor nasisibak! - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa implementasyon ng K-12 Program, nagkaroon na umano ng malawakang tanggalan ng mga propesor sa mga pribado at pampublikong kolehiyo sa bansa.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Act Partylist Rep, Antonio Tinio matapos makakuha ng impormasyon mula mismo sa testimonya ng mga faculty member at mga kinatawan ng public at private colleges and universities.

Ayon kay Tinio, base sa ginawang konsultasyon ng tanggapan nito ay nabigo ang gobyerno na tuparin ang ipinangakong assistance sa mga maaapektuhang empleyado.

Kung hindi naman umano naapektuhan ng mass removal ay naging contractual ang trabaho ng mara­ming guro. Paliwanag pa nito na ang nangyari sa 21 propesor ng Miriam College na sapilitang pinag-resign sa ilalim ng Early Separation Program na pinalabas daw ng paaralan na boluntaryo habang sa University of Sto. Tomas ay inalis na ang mga part-time at fixed-term faculty dahil sa umano’y end of contract at sinabihang mag-reapply na lang sa Senior High School program.

Idinagdag pa ni Tinio, na kung kunin man ng Department of Education (Deped)  ang mga natanggal na guro, mas mababa naman ang kanilang sahod dahil balik sila sa pagiging Teacher I.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with