^

Bansa

Sa pagkalas ng UK sa European Union: OFWs sa Europe ‘di apektado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na hindi apektado ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa tinaguriang “Brexit” o pagkalas ng Britain bilang miyembro ng 28-nation European Union. 

Ang paniniyak ay ginawa ni Bishop Santos kasabay ng pahayag na ang working visa ng mga OFW ay mula sa gobyerno ng United Kingdom at hindi ini-issue ng European Union. Iginiit na ang United Kingdom government ang nagha-hire ng mga OFW at hindi ang EU. 

Aminado si Santos na bahagyang makakaranas ng difficulties ang mga OFWs ngunit kanila itong malalampasan dahil sa pagiging resilient at responsable. 

Samantala, umaasa ang CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na hindi magi­ging “ningas-cogon” o matutulad sa administrasyong Aquino ang incoming Duterte administration sa usapin ng mga OFWs.

Tiwala ang Obispo na tutuparin ni incoming President Rodrigo Duterte ang naipangako nitong pagtulong sa mga OFW sa pamamagitan na rin ng pagpapatayo ng sariling departamento (Department of OFWs).  Aniya, kung matutupad ang pangako, susuportahan ito ng Simbahang Katolika at mas ikatutuwa umano nila kung makakagawa ng mas maraming trabaho upang hindi umalis ng bansa ang mga manggagawa upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with