Sabwatan sa agricultural smuggling ibinulgar
MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ni Senator Cynthia Villar na nakikipagsabwatan ang mga cold storage operators sa mga smugglers kaya dapat bantayan ng Cold Chain Association of the Philippines (CCAP) ang kanilang hanay dahil nakasasama sa mga magsasaka at sektor ng agrikutura.
Sa pag-iikot sa bansa para alamin ang agricultural smuggling, nadiskubre ni Villar na binabayaran ng smugglers ang mga cold stores sa mga lalawigan upang tanggihan ang paglagak ng mga inani ng mga magsasaka o ng kanilang grupo at kooperatiba.
“Once local produce were rotten, the imported ones, including those smuggled, would be saleable,” ayon kay Villar.
Nabatid nila na walang laman ang cold stores bagama’t sinabihan silang puno ang mga ito.
“I know that like any legitimate and upstanding organizations, you can police your ranks. You also represent their individual and collective interests in policymaking, standards-setting and industry development,” ani Villar sa kanyang pananalita sa CCAP 14th annual general membership meeting and training conference.
Ani Villar, layunin ng CCAP na magkaroon ng epektibong handling, storage at pamamahagi ng mga produkto na consumers ang nasa isip.
Aniya, umaasa ang agricultural stakeholders na makakamit nila ang paglago ng industriya sa ilalim ng Duterte administration kung saan si Emmanuel “Manny” Piñol ang agriculture secretary.
- Latest