^

Bansa

Babala ni Digong sa mga corrupt officials: Isang pitik ko lang kayo!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pitik ko lang ay tatalsik na agad ang mi­yembro ng Gabinete na masasangkot sa ano­malya, ito ang matinding babala kahapon ni incoming Pre­sident-elect Rodrigo Duterte laban sa mga korap na opisyales ng gobyerno.

Sa kanyang mensahe sa huling pagdalo nito sa flag raising ceremony bilang alkalde ng Davao City, walang puwang ang corruption sa kanyang gobyerno.

Sinabi ni Duterte, ang sinumang miyembro ng Gabinete niyang masasangkot sa korapsyon at makakasuhan ng ano­malya ay walang maaasahang tulong mula sa kanya.

Aniya, hindi na dapat hintayin ng kanyang Gabinete na sila ay sibakin sa puwesto sa sandaling masangkot sa anomalya.

“Dapat ay magbalot-balot na lang agad ang mga miyembro Gabinete at huwag na nilang hintayin na ‘pitikin’ ko pa sila,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte, hindi dapat gamitin ng kanyang Gabinete ang posisyon nito upang isulong ang kani-kanilang kampanyang pulitikal o ambisyon nito.

“There will be no corruption just like here. The first whip. Mga sekretaryo ka sa Cabinet tapos nangwarta ka. Then I just have to whisper: ‘Please go,” paliwanag pa ni Digong.

Nakiusap din si Du­terte sa taumbayan na isumbong sa kanyang tanggapan ang mga nala­laman nilang corruption  sa pamamagitan ng kanyang ilalagay na 12 hot­lines na bukas 24 oras.

Samantala, ipatutupad nationwide ng papasok na administrasyon ang liquor ban gayundin ang curfew sa mga menor-de-edad.

Siniguro rin niya na ang kanyang gobyerno ay para sa mahihirap, para sa walang mga pag-asa at para sa mga hindi kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

“My government is for the helpless, for the hopeless, and for the defenseless,” giit pa ni Duterte sa kanyang mensahe kahapon.

Aniya, hindi siya natatakot na ma-impeach basta ipatutupad niya ang kanyang programa laban sa kriminalidad at corruption.

“Impeachment? Go ahead walang problema sa akin. I will insist what I promised to the people,” hamon ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with