^

Bansa

China nagpalipad ng rocket sa West Philippine Sea!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Lipad ng mga eroplano apektado 

MANILA, Philippines – Kinumpirna ng pamahalaan na nagpakawala ang China ng isang malakas na rocket sa Hainan island province sa West Philippine Sea o South China Sea kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report, pinalipad ng China ang kanilang “Long March-7”, isang new generation carrier rocket mula sa kanilang new space launch center sa Wenchang, isang siyudad sa Hainan island province.

Sinabi sa ulat ng Xinhua news, na naging matagum­pay ang inaugural voyage o pagpapakawala ng medium sized na 2-stage Long March-7 rocket noong Sabado bilang bahagi umano ng comprehensive space program ng China. Tumitimbang ang rocket ng 13.5 tonelada, na mas mabigat kaysa sa ibang kasalukuyang mga rocket ng China. Ang re-entry module ay inasahang babalik sa mundo sa disyerto ng Inner Mongolia ng Linggo ng hapon matapos na mag-orbit sa planete ng 13 beses.

Sinabi ng Beijing na layunin lamang ng rocket launch na magpadala ng proto-type shuttle sa kalawakan. Ang rocket ay pinatatakbo umano ng kerosene at liquid oxygen kaya maituturing ito umanong maka-kalikasan.

Sa kabila nito, naapektuhan ang mga flight na dapat ay dadaan sa lugar na sakop ng himpapawid ng Pilipinas.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), may mga airlines ang nagsara  at nagkaroon ng alternate routes sa ibang mga flight sa western portion ng Manila Flight Information Region (FIR) dahil sa rocket launching ng China.

Sinabi ng CAAP na nagpalabas sila noong Sabado ng Notice to Airmen (NOTAM) dahil sa nakatakdang rocket launching sa Hainan island. Epektibo ang abiso at babala sa mga eroplano na dadaan sa nasabing lugar ng alas-7 ng gabi hanggang alas-10:30 ng gabi noong Sabado.

Nagpalabas pa ang CAAP ng ikalawang NOTAM bilang babala naman sa lahat ng mga piloto upang iwasan ang nasabing lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with