^

Bansa

Mga panlaban sa epekto ng ‘Brexit’ inisa-isa ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglatag kahapon ng suhestiyon ang Malacanang upang malabanan ang epekto ng Brixet o ang pagkalas ng United Kingdom sa European Union.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, dapat ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang pagpapalakas ng ekonomiya, pagtibayin pa ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa, at ipagpatuloy ang mga reporma sa mas mabilis na pag-unlad ng bansa.

Binanggit rin ni Coloma ang sinabi ni Finance Secretary Cesar Purisima na hindi dapat magpanik  dahil sa Brexit dahil malakas ang macro-economic fundamentals ng ekonomiya ng bansa.

Idinagdag  rin ni Coloma na sa kabuuan ay hindi naman maapektuhan ang trabaho ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa United Kingdom dahil karamihan sa kanila ay mga nurses na sakop ng batas ng nasabing bansa at hindi ng European Union.

 “Ayon kay Secretary Rosalinda Baldoz ng DOLE, karamihan sa mga manggagawang Pilipino sa United Kingdom ay mga nurses. Ang kanilang paglilingkod doon ay hindi nakasalalay sa pagiging miyembro ng United Kingdom sa European Union. Dahil ang sumasaklaw sa kanilang pagta-trabaho doon ay mga batas ng United Kingdom, hindi ng European Union,” sabi ni Coloma.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with