Paliwanag ng Comelec giit ng ret. Air Force official
MANILA, Philippines – Iginiit ng Confederation of Non-Stock Savings and Loan Associations (CONSLA) na ngayon ay Alliance of Non-Stock Saving and Loan Institution (ANSLI) na matibay ang kanilang ebidensiya na nagkaroon ng manipulasyon ng mga boto noong nakaraang eleksiyon.
Ayon kay Ret. Col. Ricardo L. Nolasco Jr., PAF, CONSLA partylist 1stNominee, dapat na may managot sa naturang insidente. Kailangan din ang paliwanag ng Commission on Election at ang accredited citizen arm nito na Parish Pastoral Council Responsible Voting (PPCRV) sa mga supporters ng CONSLA at sa mga mamamayan kung paano nagkaiba ang ipinalabas nilang resulta ng nakuhang boto ng nasabing partylist.
“How can votes canvassed by the Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) from the COMELEC Transparency Server, which essentially are the same votes canvassed by the COMELEC in its official canvass, churn out completely different results?,”ani pa Nolasco.
Unang ibinunyag ng CONSLA na sa bilang ng Comelec tanging 213,814 ang nakuhang boto nito ngunit sa canvassing ng PPCRV ay nakarekord na nakakalap ito ng 555,896 boto. Sinabi pa ni Nolasco na imposible ang bilang ng boto na ipinalabas ng Comelec dahil napakaraming miyembro at supporters ng CONSLA na mula sa iba’t ibang sector na ang tanging adbokasiya nito ay mapatatag at mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin pa ni Nolasco na matibay ang nakuhang ebidensiya laban sa PPCRV at Comelec matapos na makunan ni Arnold Arriola, opisyal ng Buhay Partylist ng litrato ang record ng partial at unofficial votes ng PPCRV quick count. Nakita dito na mayroon ng 342,513 boto ang CONSLA mula sa 68,626 clustered precincts kaya naman nasa ika-17 na ito laban sa 115 kalabang partylist groups.
- Latest