Hybrid train mas ligtas sakyan - DOST
MANILA, Philippines – Inilunsad kahapon ng pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) ang hybrid electric train na sinasabing mas ligtas sakyan, komportable at bearable sa riding public.
Ang hybrid train ay dinebelop ng DOST Metal Industry Research and Development Center (MIRDC) noong 2013 na ginastusan ng pamahalaan ng P120 milyon sa tulong ng mga Pinoy scientist and engineers.
Layunin ng DOST na maresolba ang perennial transportation problem ng bansa kaya pinagtulong-tulungan na gawin ng mga dalubhasa ang hybrid train.
Ayon kay DOST Sec. Mario Montejo, panahon na para maresolba ang halos araw-araw na pagtirik ng mga train ng Metro Rail Transit kapag ang mga hybrid train na ang nagagamit.
“It’s high time that we give recognation to the fact that we are fortunate to have the best engineering and technical minds in the country.. We have the solution to our own problem. We can make local technologies work” ani Montejo.
Ang hybrid train ay may operational speed na 60 kilometer per hour na may limang coaches at maaaring magsakay ng 220 passenger.
Ipapagamit sa Philippine National Railway (PNR) ang hybrid train na sinasabing mas ligtas sakyan ng mga commuting public.
Sa ngayon ay sumasailalim na sa masusing testing ang hybrid train habang patuloy pang gumagawa ang mga dalubhasa ng DOST.
- Latest