^

Bansa

Matapos palayain ang bihag na Pinay, Norwegian hostage inaasahang palalayain din

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nananalig ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ligtas na lalaya ang bihag na Norwegian na hawak pa rin  ng mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.

Ito’y matapos na pa­kawalan na nitong Martes ng madaling araw ng mga bandidong kidnappers ang Pinay hostage na si Maritess Flor.

Gayundin, bunga ng pahayag ni incoming President Rodrigo “Digong” Duterte kaugnay ng inaasahang paglaya nang ligtas ni Kjartan Sekkingstad kung saan ay pinasalamatan na ito ng Norwegian government.

Si Flor ay pinalaya ng mga kidnaper dakong alas- 4:30 ng madaling araw sa harapan ng ta­hanan ni Gov. Abdusakur “Toto” Tan sa Brgy. Asturias, Jolo, Sulu.

Sinabi ni AFP Spokesman Brig . Gen. Restituto Padilla na patuloy ang pagsusumikap ng military troops upang ligtas na mabawi ang Norwegian hostage na si Sekkingstad, ang nala­labing hostage na kasama ni Flor na dinukot.

“The safe release of other captives remains a vital objective of continuing military and law enforcement operations against the ASG”, ani Padilla.

Magugunita na ang dalawa pang kasamahang bihag nina Flor kabilang ang kaniyang boyfriend na si Canadian Robert Hall at kasamahan nitong si John Ridsdel ay pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.

Ang Canadian na si Ridsdel ay unang pinugutan ng ulo noong Abril 25 matapos mabigong magbayad ng P300M ransom habang si Hall ay nito namang Hunyo 13 na nabigo namang mag­bayad ng P600M.

Sa pahayag naman ng iba pang mga opisyal sinabi ng mga ito na ipagdasal ang kaligtasan ng mga hostages.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with