DA exec. kinasuhan sa false trip tickets
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tanggapan ng Ombudsman ng 13 counts ng falsification of public documents si Department of Agriculture Acting Director III Jose Balatucan, Jr. sa Sandiganbayan na may kinalaman sa 13 falsified trip tickets gamit ang sasakyan ng gobyerno noong 2012.
Ito ay makaraang mapatunayan ng Ombudsman na pineke ni Balatucan ang mga trip tickets nito noong siya pa ay Regional Technical Director (RTD) for Research and Development ng ahensiya.
Bukod dito, napatunayan din ng Ombudsman na si Balatucan at kanyang misis ay ginamit ang kanyang gov’t issue vehicle nang walang awtorisasyon para magtungo sa Davao International airport.
“Respondent was fully aware that he was no longer the designated RTD when he signed the trip tickets as he was already relieved from that designated position”nakasaad pa sa resolusyon ng Ombudsman.
- Latest