^

Bansa

Dagdag proteksyon sa Pinoy seamen giit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ngayon ng “Day of Seafarer”, iginiit ni Senator Loren Legarda na dapat magkaroon ng mekanismo na magiging daan upang mas mabigyan ng proteksyon ang mga Filipino sea-based workers.

Ayon kay Legarda, dapat magkaroon ng mas ma­lakas na legislative agenda na makatutulong sa mga Filipino seafarers kaugnay sa iba’t ibang isyu sa maritime industry.

 Inihalimbawa nito ang pangangailangan na magkaroon ng Magna Carta for Filipino Seafarers upang maitayo na ang isang National Seafarers Commission sa pagpasok ng 17th Congress.

Ayon kay Legarda, mahalagang may batas na titiyak sa karapatan ng mga seafarers na magkaroon ng makataong “working condition” at tamang pasahod.

Mahalaga rin aniyang matiyak na may sapat na impormasyon ang mga seafarers kaugnay sa mga local at international laws na maaring makaapekto sa kanila.

 Ayon kay Legarda, kung maitatayo ang isang National Seafarers Commission bilang isang centralized government agency, mas mabibigyan ng atensiyon ang mga seafarers at mapo-protetahan ang kanilang mga karapatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with