^

Bansa

Digong na-‘wow mali’!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila na “wow mali” si President-elect Rodrigo Duterte nang tawagin nitong “Sotto” si Senator Koko Pimentel sa kanilang pagkikita sa isang pagpupulong sa mga negosyante sa Davao City.

Sa talumpati ni Duterte sa harap ng mga business leaders sa lungsod, nagbiro siya tungkol sa kompetisyon para sa Senate Presidency sa pagitan ng kanyang ka-partidong si Sen. Koko Pimentel, at ng runningmate na si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano.

Kaya nang makita nito si Pimentel ay tinawag niyang “Sotto” na ang tinutukoy ay si Senador Tito Sotto na dati na ring nagpahayag ng kagustuhang maging Senate President. Subalit sa ngayon, sinusuportahan na ni Sotto si Pimentel matapos umano siyang alukin ng posisyon bilang Majority leader.

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Duterte kay Pimentel na tila nang-aasar sabay paliwanag na kaya siya nagkamali ay dahil sa katatapos lang ng  laser treatment ang kanyang mata.

“I’m sorry, Senator Sotto? Ah, si Koko,” sabi ni Duterte, na tila inaasar si Pimentel.

Nilinaw  ni Duterte na wala siyang papanigan sa pagitan nina Pimentel at Cayetano tungkol sa isyu ng Senate Presidency dahil pareho niyang malapit na kaibigan ang dalawa.  “Both of them are my friends and neutral ako. Sabi ko, fight it out,” ani Duterte.

Subalit para sa malalapit kay Duterte na sa pagtawag kay Pimentel bilang Sotto, ay tila nagparating nang malinaw na mensahe ang susunod na Pangulo na hindi siya masaya sa pagsali ng mga tumutuligsa sa kanya, tulad ni Senator-elect Leila De Lima at iba pang miyembro ng Liberal Party (LP) sa tinatawag na “super majority” sa Senado.

Kamakailan ay  inimbita ni Pimentel si Cayetano sa “super majority,” at hinihingi ang kanyang suporta sa Senate Presidency. Gayunman, kinuwestiyon ni Cayetano ang mga pinili ni Pimentel para mamuno sa mga komite ng Senado at kung tunay ang suporta ng ibang miyembro ng super majority sa legislative agenda ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with