^

Bansa

Chair Bautista tinawag na palpak ng 6 komisyuner

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagkaisahan ng anim na commissioner ng Commission on Election (Comelec) si Comelec Chairman Andres Bautista dahil sa umano’y pagiging palpak na liderato nito.

Sa inilabas na memo ng anim na miyembro ng Comelec en banc, tahasan nilang tinawag na palpak si Bautista dahil sa iba’t ibang maling aksyon nito kasama na ang nagdaang halalan.

“At the outset and with all due respect, we, the Commissioners constituting the majority of the Commission en banc, express our position of a failed leadership of the Commission on Elections,” saad ng kanilang memoramdum. 

Kabilang sa mga commissioners na lumagda sa memo sina Christian Lim, Louie Guia, Al Parreño, Arthur Lim, Rowena Guanzon at Sheriff Abas.

Nakasaad sa dokumento na nilagdaan daw ito nang may mabigat na damdamin. 

Isa sa mga isyung tila isinisisi nila si Bautista ay sa atrasadong bayad ng Comelec para sa mga guro na nagsilbing board of election inspectors (BEIs). 

Nagbibigay din umano ng mga sariling pahayag si Bautista kahit hindi man lang sila kinokonsulta, tulad sa sinabi nitong dapat ipagpaliban ang barangay at SK elections, bagay na hindi anila maituturing na posisyon ng Comelec en banc. 

Para naman kay Bautista, may hinala siya na nag-leak ang petisyon sa kabila ng nasagot na ng kanilang accounting department ang ilang mga reklamo kabilang dito ang kaugnayan sa hindi nabayarang ilang mga teachers na nagbigay ng serbisyo noong May 9 elections.  Aniya, noong Hunyo 15 ay mahigit na sa 99 percent ang nabayaran. Kaya hindi pa natatanggap ng ilang teachers ang kabayaran ay dahil may Landbank branch umano na malayo sa kanila at may mga elections officers na hindi agad nai-deliver sa bangko ang pera, o kaya may mga may guro na may hawak na ng cash card pero hindi muna nag-withdraw. 

Sa isyu ng naunsyaming pagpapatupad ng mall voting, depensa ni Bautista na kaya naman siya ang nakipagnegosasyon sa mga mall ay dahil sa siya ang naatasan batay na rin naging botohan at resolusyon ng Comelec en banc. 

Kung humingi naman umano ng reimbursment ang Robinson’s mall sa naipatayong mga booth, ang Comelec Law Dept. ay nag-isyu na rin ng opinion na “fair” at tama lamang daw dahil may ginastos din ang mall at hindi natuloy ang botohan sa nasabing mall.

Sa usapin naman ng deadline sa filing ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs) na nagkaroon ng extension at nagkahati-hati ang mga Comelec officials, giit ni Bautista na may kanya-kanya naman silang opinyon sa isyu at en banc decision.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with