Duterte nangakong wawakasan ang kidnapping ng Abu Sayyaf
MANILA, Philippines— “There will be reckoning one of these days.”
Ito ang pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte kasunod ng pagpapalaya ng Abu Sayyaf Group sa isang Pinay hostage.
Sinabi ni Duterte ngayong Biyernes na kailangan matigil na ang pandurukot ng bandidong grupo dahil pumapangit ang imahe ng bansa.
BASAHIN: Pinay hostage pinakawalan ng Abu Sayyaf, Norwegian naiwan
“I don’t want to pick a fight with anybody but there will be a time. I have to confront Abu Sayyaf. It’s not yet forthcoming,” wika ni Duterte matapos sa turnover ceremony ng Davao City Police Office.
Aniya nagkaroon ng negosasyon sa pagpapalaya kay Marites Flor, habang inaasikaso na rin ang pagpapalaya sa Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad na sa kasalukuyan ay hawak pa ng Abu Sayyaf.
Kasama ni Flor ang naputugan nang mga Canadian hostage na sina John Ridsdel at Robert Hall matapos hindi matanggap ang hinihingi nilang ransom.
Dinukot sina Flor at iba pa nitong Setyembre ng nakaraang taon sa Samal Island sa Davao Oriental.
- Latest