^

Bansa

2 LPA magpapaulan sa Palawan, VisMin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang low pressure area (LPA) ang magdadala ng panaka-nakang pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Visayas at Mindanao, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Sinabi ng PAGASA ay nakapaloob sa intertropical convergence zone ang dalawang LPA.

Namataan kaninang alas-10 ng umaga ang LPA sa 435 kilometro kanluran ng Iba, Zambales, habang ang isa pa ay nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa 1,620 silangan ng Mindanao.

Tinatayang magiging bagyo ang ikalawang LPA na papasok sa PAR sa loob ng 24 oras.

Pangangalanang “Ambo” ang papasok na bagyo, ang kauna-unahang bagyo ngayong taon.

Walang dumaang bagyo sa nakalipas na mga buwan ng 2016 dahil sa pag-iral ng El Nino, sa pagtatapos nito ay inaasahan naman ang pagpasok ng La Nina o ang labis naman na pag-ulan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with