^

Bansa

Inagurasyon ni Leni sa dating ‘Boracay Mansion’ simple lamang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkasabay ngunit magkahiwalay ang magiging inagurasyon nina President-elect Rodrigo Duterte at Vice President-elect Leni Robredo sa Hunyo 30.

Sa Malacañang gagawin ang kay Duterte, habang sa dating “Boracay Mansion” na kilala ngayon bilang Quezon City Reception House idaraos ang kay Robredo.

Sinabi ni pinuno ng transition team ni Robredo na si Boyet Dy na magiging “simple ngunit mananatiling angkop sa okasyon” ang panunumpa ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng gobyerno.

“Gagawin natin ang inaugural sa Quezon City Reception House na siyang magiging opisyal na opisina ng ating pangalawang pangulo,” pahayag ni Dy.

Manunumpa si Robredo kay Ronaldo Coner, isang kapitan sa pinakamaliit, pinakamalayo at pinakamahirap na barangay sa Punta Tarawal Calabanga sa Camarines Sur.

 “Dahil limitado ang espasyo sa venue, humihingi kami ng paumanhin sapagkat nasa 300 bisita lang ang inaasahang makakadalo sa nasabing okasyon. Dahil dito minarapat naming magkaroon ng isang pasasalamat si VP Leni sa Quezon City Memorial Circle sa hapon din ng June 30,” patuloy ni Dy.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with