Alcala dawit sa ‘garlic cartel scam’
MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng tanggapan ng Ombudsman si Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala at mga opisyal ng Bureau of Plant and Industry (BPI) dahilan sa umano’y pagsasabwatan sa “garlic cartel scam”.
Ang hakbang ay ginawa ng Ombudsman nang sampahan ng kasong “graft at grave misconduct and conduct prejudicial to the best Interest of the service” sina Alcala at BPI officials na sina Clarito Barron, Merle Palacpac, Jesus Bajacan at Luben Marasigan gayundin si Lilia Cruz at incorporators ng Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association of the Philippines, Inc. (VIEVA).
Sa reklamo ng field investigation office ng Ombudsman, noong Enero-Hulyo 2014 naganap ang kakaiba at nakaka-alarmang pagtaas ng presyo ng bawang dahilan para atasan ng Department of Justice na paimbestigahan ito sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa posibleng profiteering, hoarding at cartel-like activities.
Sa January 2015 transmittal letter, sinabi ng NBI na ang VIEVA, isang grupo ng mga garlic traders at importers na pinangungunahan ni Cruz ay nagmonopolyo sa presyuhan ng bawang at nagdikta ng presyo ng bawang sa mga pamilihan sa pakikipagsabwatan ng mga opisyal ng BPI na nagbigay ng import permits sa VIEVA at affiliates kahit kulang sa akreditasyon.
Sinasabing si Alcala ay ang may direct supervision sa tungkulin ng BPI at nasangkot dito ang una nang likhain ang National Garlic Action Team (NGAT) na kinabibilangan ng mga private stakeholders na may interes sa industriya ng bawang.
Una nang nairekomenda noon ng Ombudsman na imbestigahan si Barron sa kasong graft at direct bribery dahil sa maanomalyang pagpapalabas ng garlic import permits.
Isang saksi ang nagsabi na noong Hulyo 2012, isang vegetable importer/exporter ang nagtungo sa opisina ni Barron at nagbayad ng P240,000.00 kapalit ng issuance ng dalawang import permits. Iniimbestigahan na rin si Barron hinggil dito.
- Latest