^

Bansa

Trike driver patay sa killer van

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

PANGASINAN, Philippines – Patay ang 60-anyos na driver habang kritikal naman ang tatlong iba pa makaraang salpukin ng armored van ang kasalubong na traysikel sa kahabaan ng Tayug-Natividad Road sa Barangay Poblacion East, bayan ng Natividad, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang namatay na si Loreto Pagal, 60-anyos, drayber ng traysikel at nakatira sa Barangay Calapugan sa nabanggit na bayan. Naisugod naman sa Eastern Pangasinan District Hospital ang mga sugatang sina Norma Pagal, misis ni Loreto; Leonida Dannuy, 63; at si Vilma Manangan, 33, mga nakatira sa Barangay Calapugan. Arestado naman ang drayber ng armored van na si Joseph Urbano, 37, ng bayan ng Lingayen. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, patungong timog ang armored van sa kahabaan ng provincial road nang makabanggaan nito ang traysikel.

vuukle comment

GULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with