^

Bansa

Hindi pa tapos ang laban! – Marcos camp

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagaman tapos na ang official canvass ng mga boto at itinakda ang proklamasyon ng mga nanalong presidente at bise presidente, nagpahayag kahapon ang kampo ni vice presidential candidate Sen. Ferdinand Bongbong”Marcos Jr na hindi pa tapos ang laban.

Ayon kay Abakada party-list Rep Jonathan dela Cruz,  ipagpapatuloy ng kampo ni Marcos na igiit na magkaroon ng  “systems audit”sa automated elections system matapos ang official canvass ng mga boto sa pagka-presidente at bise presidente.

“We have to continue asking for the systems audit. We have to search for the truth. Ayaw natin magkaroon ng pag-aalinlangan,” ani dela Cruz na tumatayong campaign adviser ni Marcos.

Sa final tally sa Kongreso, natalo si Marcos kay Liberal Party vice presidential bet Camarines Sur. Rep. Leni Robredo ng  may 263,473 boto, na sinasabing masyadong mababa ang lamang sa kasaysayan ng vice presidential race simula nang maibalik ang demokrasya noong 1986.

Sa kabila nito, pinag-aaralan pa ng kampo ni Marcos kung dadalhin na lamang nila ang reklamo sa Presidential Electoral Tribunal, na binubuo ng 15 miyembro ng Korte Suprema.

Nabatid na wala rin silang planong harangin ang proklamasyon ni Robredo bilang vice president elect.

Magpapalabas umano sila ng kanilang obserbasyon matapos ang pagsasagawa ng canvassing ng mga boto sa Kongreso.

Sa kasagsagan ng tatlong araw na canvassing, ilang beses na pinuna at ipinunto ng kampo ni Marcos ang mga undervotes sa bawat certificate of canvass (COCs).

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with